May122012

Happy mother’s day ma

I may not be the daughter you wish for but hey you have to know that I Love You and I know you love me too..:)

April242012
“Walang bagay sa mundo ang hindi napapagaan ng pagkakaroon ng sense of humor” lourd de veyra

lourd wotl 

April212012

Special daw sila..Special Child :)

Paano ko ba uumpisahan to. Dahil lang naman sa hindi ako makatulog ilalagay ko na lang to dito. Matagal ko na sanang gustong gawin/post ito pero dahil talagang tamad lagi na lang next time ang sinasabi ko..eto na siguro yung next time tutal wala naman akong ginagawa at hindi pa ako makatulog.

Yung mga ilalagay ko dito di ko alam kung dapat bang ilagay ko ang pangalan o ano baka maflatter sila nakakahiya naman. Sila lang naman yung mga lalaking naging parte ng buhay ko (pero hindi naman sila lahat naging boyfriend ko) how I wish lang di ba, ang ganda ko sana non. Anyway hindi ako katulad ng mga kabataan ngayon (kala mo ang tanda ko na no 24 pa lang po ako) na nag boyfriend nung highschoolpero nagkakacrush din naman ako. Ako kasi yung noon yung boyish kung kumilos yung iba pa nga siguro akala nila tomboy ako. Eto na iisa isahin ko sila para maalala ko (kala mo madami no)

  • Christian or Bagyo - Bagyo kasi super yabang niya pero basta siya first crush ko. Ang galing niya kasi sa volleyball non, isa siya sa pinakamagaling. Maputi siya, maganda ang mata, medyo matangkad at mabait naman mayabang lang. Nakikita ko lang siya dati sa school pag naglalaro so wala akong idea kung ok ba siya sa academics until one time nalaman ko sa friend ko na di siya ganun kagaling sa school works so ayaw ko na sa kanya (ang arte ko no). Naging mag classmate kami nung 4th year hs na ako at naging close kami hahaha Pero di ko na siya crush nun. Bali ngayon may asawa at anak na siya at sa abroad sila nakatira.
  • Dave o Master - Siya naman ang math wizard na crush ko. Bali ang galing niya sa lahat ng subject lalo na sa math. Hindi siya kagwapuhan pero matalino siya eh. Classmate ko siya nung naging crush ko siya kaya naman nainspire talaga akong mag aral ng todo dahil sa kanya. lol. Umayaw ako sa kanya nung nahampas niya ako ng malakas nung naglalaro kami ng mataya taya (parang bata no pero hs na ako nito). Pero friend ko pa siya. Isa siya sa mga tinatawag kong master pag dating sa math at counter strike (oo naglalaro ako nun kasama sila). Ngayon isa na siyang ganap na inhinyero at nagtatrabaho kung saan na di ko alam. Hahaha
  • Renen - Bali crush siya ng bayan at higher batch sa amin. So sinabi ko nga crush siya ng bayan at talaga naman ang gwapo niya. Basta gwapo siya, matalino pa, matangkad san ka pa lulugar. Kaibigan siya ng kuya ko so minsan pumupunta siya sa bahay namin so feelingera lang naman ako, daydreamer na kunwari ako ang dinadalaw niya. hahaha. Naalala ko pa one time tumawag siya sa bahay namin at ako ang nakasagot bago ko ibigay sa kuya ko nagtititili muna ako. Screaming my heart’s out ika nga. hahaha. Ngayon pala may asawa at anak na siya at nagtatrabaho ata siya sa hotel.
  • Frederick o Alien - Hindi ko siya naging classmate, ni hindi din kami naging friend. Isa siya sa matatawag ko misteryoso para sa akin sa batch namin. Ewan ko ba basta binigyan ko siya ng pansin eh. Tahimik lang siya, patingin tingin, ganon lang. Kung itsura lang din naman may laban naman siya, maputi, matangkad, may itsura nga, at di naman pahuhuli sa klase (kasi nakita ko dati name niya nakalagay sa top ten sa klase) oo at naging crush ko nga siya kaso lang di ko na din siya nagustuhan nung huli bali ang kwento non sinaraduhan niya ako ng pintuan nong hinahanap ko ang kaibigan ko sa klase nila (bastos lang??)hahaha anyway pinaliwanag naman ng mga kaibigan niya na classmate ko na nahihiya lang daw ang loko kaya nagawa yun. Ngayon ata ay graduate siya ng nursing o pharmacy at nagtatrabaho sa isang call center. By the way kaya pala alien ang tawag ko sa kanya yan din kasi ang tawag ng mga friends niya sa kanya na naturingang kaibigan ko sila tiyanak, aso at pusa :)
  • John Rey  o Pare- Pwede natin sabihin na siya ang first love ko at first heart ache (wow gumaganon). Di ko siya schoolmate nakilala ko lang sya thru a friend tapos naging close kami. Mabait siya, maalalahanin, matalino din naman, kung sa itsura din naman well, well, well di naman magpapahuli ang loko (hahaha) matangkad, medium built ang katawan, at gusto ko ang mata niya. Lagi kami magkausap non, magkatext (di pa nga uso unlitext nun at autoload), basta naging super close kami. Niligawan niya rin ako kaso sa kasamaang palad di ko siya sinagot, dahil lang sa isang kaibigan ko na kaibigan din niya na may gusto sa kanya at sinabi sa akin na masasaktan siya pag nagkaroon ng gf si Jay. Kaya ayon ang istorya ng sawi kong 1st love hahaha. Hanggang ngayon naman ay nagkukumustahan pa kami graduate nga pala siya ng Commerce at kasalukuyan din nagtatrabaho sa isang call center. Pare ang tawagan namin dati dahil dun sa shampoo commercial noon di ko na matandaan kung anong shampoo pero dun nagsimula yun.
  • Lance - Bali siya yung first boyfriend ko. Nakilala ko siya sa kaibigan din ahead siya sa akin ng 2 years so parang kaedaran lang din ni kuya. Mahilig siyang maglaro ng basketball, matangkad din naman siya at may sinasabi din naman ang face (hawigan siya kay duncan ramos pwera sa ilong) maganda kasi ang ilong niya eh. Nakakaloka lang siya pag kausap mo sa phone kasi parang girl ang boses niya, mas maganda pa nga ata kesa sa akin. hahaha. Gustong gusto ko dati pagkinakantahan niya ako na may kasamang gitara. Eh feeling ko ang ganda ko lang.hahaha. I was treated like a princess then but of course in every relationship there’s a flaw. Napaka possessive niya, kailangan alam niya din lahat kung asan ako, ano ginagawa ko, kung sino kasama ko, at may point pa nga na sinasabihan niya ko na wag ko daw samahan yung kaibigan ko kasi daw di magandang impluwensya sa akin. Nung una kala ko sweet lang siya pero nung tumagal tagal parang nasakal na ako so di ko na sinasabi sa kanya kung asan ako, nagpapatay pa nga ako ng phone eh. Sinasabi ko naman sa kanya na di ako natutuwa sa ginagawa niya pero di siya nakikinig. Tapos nakipagcool off siya nun sabi ko bakit cool off pa di na lang break. Ayon nakipag break nga ang mokong. At first masakit siyempre naman pero ok na din no nakahinga na ng maluwag. Nakikipagbalikan siya after a week pero ayoko na eh. Pero naging ok naman kami sa isa’t isa afterwards ang huling balita ko sa kanya eh nung 3rd yr college na ko na may anak na nga daw siya after non wala na. 
  • Rajive - Siya lang naman ang last boyfriend ko. Nakilala ko siya dahil kaibigan ko naman yung pinsan niya. Kinukulit lang ako nito dati kala ko wala lang tapos nanligaw tapos naging bf ko na. hahaha. Half indian half pinoy ang lalaking ito. Matangkad, maganda ang ilong, gwaping din naman, pero maputi (namana niya sa kanyang mudra). 3 years ko siyang naging bf mabait naman siya, we have petty fights, minsan nga wala pa. Happy naman ako sa naging takbo nung relation namin. Sweet pa nga to. Papadalhan ka pa ng kung ano ano nyan. hahaha. Pero ang di ko makalimutan yung gumawa siya ng card (monthsary ata namin yun) eh grabe talaga gusto ko sinusulatan ako so kinilig naman ako. hahaha. Akala ko nga non siya na. As in sya na talaga, pinangarap ko na sana siya yung maging husband to be ko (ay di niya alam to baka maflatter pag nabasa niya to). Pero sabi ko nga in every relationship there is always a flaw (inaamin ko naman na matigas talaga ang ulo ko) pero di ko lang talaga kinaya ang pag ka flirt ng loko. Ayun flirt dito at flirt doon ang nangyari nung last year namin. May jowa ng iba di pa inaamin. Huli na nga deny pa din. Eh di goodbye. Let go. Adieu. May pagkukulang naman talaga ako alam ko yun sinabi ko din naman sa kanya pero di naman sapat na magkaroon ng iba. Di ko nacarry yun. haha. Ang sakit lang sa bangs eh. Bali ngayon na lang kami ulit naguusap,kamustahan lang ba. Di ko alam ang latest sa kanya at di ko na  inaalam, ayaw ko maging involve at baka may jowa na siya pagbintangan pa akong other woman. hahaha.
  • Lester - Eto naman nakilala ko lang last year nung pumasok ako sa isang bpo company. Di kagwapuhan, kinulang sa height, fair ang skin pero funny naman siya. Kung titignan ko siya hindi ko akalain na magiging close friend ko siya. Sa totoo lang siya na yung pinakaclose kong lalake noon doon. Noong una di pa kami nagpapansinan nito, basta one time lang kasi mga 11 na ata uwi namin nagkasabay lang kami ng lakad ang batian lang namin saan ka? eto pauwi na. Tapos kinabukasan nakisabay na so lagi ko na siya kasabay umuwi tapos pati pagpasok sabay na din kami kasi dinadaanan ng sinasakyan ko yung lugar nila. Kasama ko tong umalis pag gabi, gumala, at uminom. Magulo pa kasi utak ko nito kasi nga ayaw ng parents ko dun sa bpo ako magwork. Siya din alam ko magulo din ang utak kasi nagkakaproblema naman ata siya sa gf niya noon (nalaman ko lang nung umiinom kami).Naging open ako sa kanya ganon din siya, tatambay kami sa isang place para mag usap. Tapos pag umuwi pa kami katext ko naman siya (o diba close) Naguluhan nga ako sa nararamdaman ko dito kung friends lang ba talaga o ano. hahaha. Pero nawala din yung closeness nung nawala ako sa bpo na yun. Bigla nagbago lahat, di naman agad agad. first 2 weeks na umalis ako dun nagkikita pa kami pero after noon nawala na bigla. Ewan ko ba pero parang nasaktan lang ako. Eh di naman kami. Yung feeling na may nakipagbreak na naman. hahaha. Sa tingin ko nga panandalian nahulog ang loob ko sa kanya. Sa tingin mo? Wala na akong balita sa kanya after.

Bali kung bibilangin konti lang sila. Yung mga naging special sa puso ko bukod siyempre dun sa tatay at kapatid at mga kaibigan kong lalake. Yung mga special na lalake na nakaakit ng mata at siyempre yung nakahuli sa puso ko. Nasaktan man ako dun sa huling tatlo, alam ko parte na ng buhay yun. Naging balanse din naman ang buhay ko nung naging parte sila nito. Naging masaya at malungkot. Sabi nga madami pa naman dadating, o may dadating pa naman marahil hindi lamang ngayon pero darating din yon. Chill Chill lang muna. Masaya ako ngayon kasama ang mga kaibigan at pamilya ko. Kung daragdag siya eh di sige Welcome sa yo sa buhay ko. :P

January102012

thank you

gusto ko lang magpasalamat sa mga bago kong followers..hahaha pati na din dun sa luma (eh anim kayo lahat lahat) nagugulat lang ako. Salamat sa inyo. :) kung may maitutulong ako message niyo lang ako..hahaha (wag lang financial ha). Ingat kayo. God Bless Us. \m/

January32012

why can’t i sleep??

December262011

great danger

Sa totoo lang ngayon lang ako nangamba ng ganito..Oo ngayon lang sa tanang buhay ko parang kahit papano sure ako na lagi ko maipapasa lahat ng bagay (di naman sa sinasabi kong magaling ako, pero hanggat maari ayoko talaga bumabagsak ok na sa akin ang pasang awa.) pero sabi ko nga ngayon lang talaga ako hindi naging o magiging confident sa nagiging takbo ng trabaho ko. Isa pa lang akong matatawag na “PROBI” sa isang prestihiyosong bangko (insert bank name here). Kakapasok ko lang noong agosto. Di naman sa mahirap siya pero iba talaga ang kabang bumabalot sa akin. Di ko alam kung feel ko pa ba na tumagal pa doon at ngayon nga (ay kani kanina pala, kinausap na ako ng boss namin regarding sa regularization ko) ang sabi pa niya nagpadala na daw ang hr para sa regularization ko, so sa akin naman ok lang medyo naging happy naman ako, pero nung sinabi na niyang may apat na akong late (tardiness) as of November 30, nashock ako, kasi bilang empleyado bilang na bilang ko talaga ang late ko (lalo at probi pa nga lang ako. Ang bilang ko pa lang ay apat as of Nov 30) bawal kasi kami mag occur ng 6 na tardiness.  Mahihirapan akong  maging regular madami pa akong dadaanan. 

Hay naku, lecheng late yan pinakakaba talaga ako. Lagi naman talaga akong maaga eh. Nalalate lang ako kapag sobrang traffic na at mahirap ng kumuha ng masasakyan. Pero kung makikita naman nila lahat ng time In ko sobrang aga ko talaga. Minsan nga nauuna pa ako sa mga officers eh. 

Payo ko lang para dun sa mga papasok sa mga opisina lalo at probi pa lang wag kayo magpapalate..ang hirap lang isipin..

tsssss…

November92011

di mo naman kelangan mahirapan

minsan kasi ayaw lang mo lang talagang bitawan

November12011
October312011

wag kang maging duwag pag matatalo ka na. Sa mundong ito lahat naman natatalo

anime 

7AM

bigla ko lang naalala ang “Are You Afraid of the Dark.” Pag ganitong araw masarap din siyang panoorin..:)

← Older entries Page 1 of 5